|
Maisusulat ko ang pinakamalungkot na berso ngayong gabi. Maisusulat ko, halimbawa: "Mabituin ang gabi Lumiligid sa langit ang simoy-gabi at umaawit. Maisusulat ko ang pinakamalungkot na berso ngayong gabi. Sa mga gabing ganito, ibinilanggo ko siya sa aking mga bisig. Minahal niya ako, paminsan-minsan ko rin siyang minahal. Maisusulat ko ang pinakamalungkot na berso ngayong gabi. Maririnig ang gabing malawak, at mas lumalawak kung wala siya. Maano kung hindi siya mabantayan ng aking pag-ibig. Ito na ang lahat. May umaawit sa malayo. Sa malayo. Upang waring ilapit siya, hinahanap siya ng aking mata. Ganito rin ang gabing nagpapusyaw sa ganito ring mga punongkahoy. Hindi ko na siya mahal, natitiyak ko, ngunit minahal ko siya nang todo. Nasa iba. Siya'y nasa iba. Tulad noong katalik siya ng aking mga halik. Hindi ko na siya mahal, natitiyak ko, ngunit baka mahal ko siya. Dahil sa mga gabing ganito na ibinilanggo ko siya sa aking mga bisig Kahit ito na ang huling pighating ipapataw niya sa akin, |
| istakel August 8, 2007 05:52 PM PDT ay tanga... | ||
| codi August 5, 2007 05:55 PM PDT Hindi ko na siya mahal, natitiyak ko, ngunit baka mahal ko siya. ..........ANO YON? | ||
| Leave a Comment: |