|
nag-iisang lumilipad ang langay-langayan anino niyay tumatawid sa nanunuyong palayan tanging sagot sa sigaw niya ay katahimikan at kaluskos ng hangin sa dahon 'sang ikot pa...huling sulyap... mula sa ibabaw ng bayan mga kubong pinatatag ng nipa at kawayan palam na...paalam na... ang awit ng langay-langayan ngunit walang nakasaksi sa palayo niyang lutang pagkat wala ng tao sa sta.filomena walang aani sa alay ng lupa nakayuko ang palay tila bang nalulumbay tila bang naghihintay ng karit at ng kamay nahihinog ang bunga ng mga mangga't bayabas pinipitas ng hangin at sa lupa ay hinahampas sinisipsip ng araw ang tamis at katas iniiwan ang binhing umaasa at pagdating ng tag-ulan sa pinaghasikan upang hugutin ang buhay mula sa kamatayan muling dadaloy ang dugo sa ugat ng parang subalit...ang lahat ng ito'y masasayang... pagkat wala ng tao sa sta.filomena walang aani sa alay ng lupa palay ay nakayuko tila bang sumusuko naghahandog ng buhay sa karit at kamao.... limlipad... sumisigaw ang langay-langayan... nasaan ka at bakit ka nagtatago taong bayan? panahon na...panahon nang... balikan ang iniwan dinggin natin ang tangis ng abang langay-langayan
|
| Leave a Comment: |