Sunday, April 16, 2006
DATUS TRIBE

trip kong pakinggan ngayun ang mga kanta ng datus tribe mula sa sampler cd nila.kung di niyo kilala ang datus tribe ayan eto >> http://datus-tribe.rakista.com/ tinatamad ako mag-type..matagal silang nawala pero ngayon ay nagbalik at mas astig!

share ko mga ilang kanta nila 3 sa paborito ko mula sa nasabing album..kung gusto niyo ng kopya bigyan ko kayo palitan nyo lang ng bigas mwehehe...

LAKAMBINI BOTTOM
Twisted Evil
pagbaba pa lang ng kombi tinitigan ko na
tibok ng puso ko niyayanig ng lakad niya
46 ang waist, 58 ang bra
350 lbs. na gumigiling sa kalsada

tuwing sya'y ngumingiti hirap ang facial muscles nya
kahit di ko nakikita, luv na luv ko'ng cheekbones nya
tuwing sya'y nagdadabog, lumilindol sa baranggay
pag sya'y tumatawa, bilbil nya'y kumakaway

binibining sexy

eh, ano ngayon kung mataba sya?
mas masarap daw magmahal ang babaeng lumba-lumba
eh, ano ngayon kung mabigat siya?
imbes na tawaging baboy,
porkchop,
lechon baka,
balyena,
since there's more of her
there's more to love

binibining sexy
(type kita)
(kahit matabang, matabang, mataba ka)
(love kita)

legs niya'y mala-troso ang dating
pamatay ng dalag, pwedeng paddle sa hazing
salawal niya'y pwedeng trapal pag may libing
anuman ang sabihin ng friends ko sa friendster,
se skwela,
sa bahay,
pati na sa baranggay...

wala na bang karapatan main-luv ang ubod ng taba?

binibining sexy
(you may be fat)
(but i love you like that)
(some say you look like a pig)
(but i love my women really big)

binibining sexy
(ano ba problema kung...)

mataba! (16x

FEELINGS
(ngirbac arerbac)

Gusto ko sanang kumanta ng kantang masaya
Masigla, maligaya, makulay
Ipakita ang diwa ng pagmamahalan
Ngunit iba ang aking nararamdaman kasi

May patayan sa kalye
May naglolokohan sa palengke
Mga batang sabog, mga pulis na tulog
At sari-saring sangkatutak na pulubi

Gusto ko sanang kumanta ng kanta ng pag-ibig
Kasi sa puso ng Pilipino, talagang yan ang himig
Gusto ko sanang kumanta ng kantang malambing
Ngunit sa tuwing sisimulan ako'y naiiling sa

Amoy ng tambak ng basura
Sa kababuyan ng mga kongresista
Mga taong may sakit, mga tiyang namimilipit
Kumakalam walang lamang mga sikmura

Hindi ko kayang kumanta
Ng kanta na pang-crush at pang-syota
Hindi ko kayang pagbigyan ang inyong hinihiling
Mga kantang pampagaan ng inyong feelings

Naiinggit ako kay Ariel
Naiinggit ako kay Regine
Kay Janno't Roselle
Kay Ogie, kay Dingdong
Kay April Boy at kay Martin

Naiinggit ako kay Ariel
Naiinggit ako kay Regine
Kay Sarah, kay Kyla
Kay Paolo, kay Christian
Kay April Boy, Pops and Martin

(you can substitute the name of your favorite singer, hahaha! Enjoy!)


DEATHMETAL
-DATUS TRIBE

Tayo nyo ang kabaong ko ayoko ng selyado
Bigyan nyo ako ng baso at saksakan nyo ng sigarilyo ang aking bibig
Ayaw ko ng mga humahagulgol ayaw ko ng mga hinihimatay
Gusto ko kayo ay masaya at buhay dapat sa party ko ako lang ang patay

Sa aking puntod
Sa gitna ng hardin
San sariwa ang hangin
Haping-happy ang feeling

Suot ko dapat ang aking shades at yung nuclear smiley tshirt ko
Uupa tayo ng magandang lugar at sa tugtugan ang gusto na banda, Parokya ni Edgar

At ang aking huling hiling madaling araw nyo ako ilibing
Habang ibinibaba ang aking kabaong patugtugin nyo ang praning

Sa aking puntod
Sa gitna ng hardin
San sariwa ang hanging
Haping-happy ang feeling
(2x)

Pagdaan ng ilang taon akong hukayin buksan ang kabaong at tayo'y magpicture taking
Pwede rin tayo mag-picnic di na lang ako kakain
Ilayo nyo 'yang bandehado baka ako humalo sa giniling
Iniwan ko na ang mundo wala na akong problema

Iniwanan ko na ang mundo Wala na akong problema
'


Posted at 03:50 pm by lumpenuks
Libre Katay!s (6)  

Sunday, February 12, 2006
megalomaniac

si wilie revillame ay ay nagpanggap na diyos
naglako siya ng mga pangarap at pangako
may nakalaang premyo sa sinomang makapasok
sa pinto ng impyerno.

sanlibot isa ang naglundagan sa bangin ng kamatayan
para lamang malamanan ang kumakalam na tiyan
trahedya ang kinahinanatnan...luhaan...sugatan....

putangina ina nyo! magsigising na kayo
huwag niyong hayaan na bigas na ang ating pilahan!!!


Posted at 01:23 am by lumpenuks
Libre Katay!s (12)  

Saturday, January 28, 2006
HELLO, MANG ERNIE?

Hello, Mang Ernie?
Kamusta ka na?
May itatanong lang sana ako,
Sa langit ba
May pito-pito?

Hello, Mang Ernie?
Para to sa anak ko
Na hindi na makakapagtanong sa yo
Di mo na matutulungan sa homework niya
Kailangan na ngayong umasa
Hindi sa walking encyclopedia
Kundi magdasal
Na sana, Lord, sana
Sana hindi mali ang Wikipedia

Mang Ernie, ako to
Yung tumatawag sa inyo
Brownout na naman
Kaya lahat kami nakikinig sa radio
"Transistor", tawag ni lolo
Tatanong ko lang
Ang cleansing diet ba
Nakakalinis ng kaluluwa?
Kasi kung baho ng bituka
Kayang-kaya
Basura sa gobyerno ni Gloria
May pag-asa pa?

Mang Ernie, maraming salamat
Sa lahat ng tanong na sinagot mo
At sa lahat ng bagay na nalaman ko sayo
Kahit alam ko namang may mga tagahanap ka,
Mga interns mong nagkasugat-sugat ang daliri
Sa kabubuklat, kabubulatlat
Ng Grollier's, World Book, at Guiness
Kunwari na lang alam mo lahat yun
Salamat na rin
Ikaw lang ang nag-alay ng oras
Para sagutin ang pangungulit namin
"Ano ba ang pinakamahabang salita, Mang Ernie?"
"Sino ba ang pinakamatandang isda, Mang Ernie?"
"May tao ba sa buwan, Mang Ernie?"
"Bakit bilog ang bubbles, Mang Ernie?"

Salamat nga pala sa antena
Ngayong malinaw na ang reception namin
Hindi pala ganun kagwapo si Jericho
Salamat rin sa pyramid,
Suot-suot ko siya habang gumagawa ng assignment

Mang Ernie, huling katanungan na
Sa langit ba may bagyo?
May panapanakang namumuong nagbabadyang hanging amihan mula sa timog
silangang eastern region ng tropical convergent zone ba sa heaven?
Kasi kung meron, sige, paalam na
Baka kailangan mo na talagang magpahinga

Sabi mo nga
Pana-panahon lang yan.





Hiniram ko to kay lorelei ng walang paalam,ewan ko kung saan niya to napulot.
Maaring sa kinalog na lata ng gatas kondensada.

Posted at 01:17 am by lumpenuks
Libre Katay!s (4)  

Wednesday, January 11, 2006
Manipesto ni Istakel

                     

 

                  Naglalakad ako noon sa may avenida, naghahanap ako ng porn mag,nagabasakali na makahanap ako kahit second hand man lang.Hindi pa uso noon ang DVDs o CDs na porno. Wala pang Hentai, wala pang barely legal. Hindi ko pa alam n amay mIRC,yahoo Messenger, at lalong-lalo nang 'ala pa kong ka-textmate ( kase 'ala pa naman akong mobile phone.) Noon ko lang naunawaan na nakakaburaot ang mabuhay. Minsan nakakaumay din pala ang maglakad. At naiisip mo, ang tanging nagbibigay na lamang sa iyo ng ganang mabuhay ay ang iyong malawak na imahinasyon. At ang lawak nito'y naglalakbay hanggang sa pinakadulo ng iyong sekswal na realidad.                                                                                    

                    Iniisip ko kung ano ang pakay ng bawat taong nakakasalubong ko dito sa Avenida. Dahil hindi ko pa nakikilala noon si Super Blag, tanong lamang ang naisasagot ko mula sa aking mga katanungan: Nasaan si Tig-Ong? Naiisip ko, maraming naglalakad sa Avenida dahil maaring: una, mula sa mga sasakyan,trapiko, establisyemento, tao, aso, pusa, dumi ng pusa, pulubi, hinahanap nila si Tig-Ong sa kanilang buhay; pangalawa, maaring mula sa Recto hanggang Bambang o recto hanggang Divisoria, nilalakad nila ang daan, hindi man nila alam kung saan, patungo kay Tig-Ong. Nagbabakasakali sila na nakatago lamang ang pag-asa ng buhay sa ilalim din ng kawalang pag-asa ng buhay.Hindi kaya isang batang dispatcher si Tig-Ong? Wala lang nakakapansin sa kanya sa kadahilanang wala naman siyang kapangyarihan na magbigay ng himala.

 

                   Mabalik tayo sa paghahanap ko ng porn mag. Noong araw na yun, ayokong umuwi na walang nabibili . Nakakabato sa bahay, hindi ako pwedeng magmukmok na lang, gusto kong masabi sa sarili ko na may kahulugan din naman ang buhay ko---kahit man lang sa second hand na porn mag.
                   Nilibot ko ag bawat sulok ng Avenida. Nawawalan na ko ng pag-asa nang maisipan kong dumaan sa Recto,nagbabakasakaling doon ko mahahanap ang aking pakay. Diniretso ko ang daan patungong Recto, tumawid ako nang makarating sa may tapat ng Isettan. Tumingin ako sa mga bangketa, sa mga naglalako ng mais,sa mga dispatcher, nagtanong ako sa isang bugaw. Wala. Tumingin ako sa mga libro na nakahilera doon. Wala. Puro mga textbooks na wala ng kwenta, na sa bawat pahina ay mga nilulumot nang karunungan na hindi napakinabangan. Gusto ko ng murahin ang mundo. sa inis ko, dineretso ko ang paghahanap hanggang Mendiola. Nang nasa tapat na ako ng isang unibersidad sa may tapat ng simbahan, nagtanong na ako sa isang pulubi kung may itinitinda siyang hubad na magazine. Ang sabi niya wala. *sigh*. Malas talaga.
                     Dito ko naiisip si Tig-Ong. Napag-isip isip ko, baka nasa lata lang ng pulubi si Tig-Ong, nagtatago sa maramingn tao. Lintek! Nagugutom na ako. Nagugutom ako sa iniisip ko. 'alangya sampung piso na lang pala ang pera ko. Muling nagbalik sa akin ang katauhan ni Tig-Ong. May kahulugan kaya ang sampung piso ko sa paghahanap ko ng porn mag? May dvine intervention kayang nangyayari kaya wala akong mahanap na porn mag? May kaugnayan kaya ito sa nagugutom kong tiyan? Gusto ko itong itanong sa pulubi. Baka alam niya ang mga kasagutan sa aking mga katanungan. Gusto kong isigaw ang lahat ng aking mga tanong sa mundo at baka sakaling marinig nila. Malay mo limusan pa ako ng kaunting pang-unawa. Pero bad trip! maiintindihan kaya nila ako. May divine purpose nga kaya? Noon ko naisip na maaring isang haka-haka lamang si Tig-Ong sa isipan ng maraming tao. Pwede ring ginawa ko lang si Tig-Ong upang magbigay ng isang mitolohiya. O baka naman bahagi lang siya ng isang cosmic fog na hindi nawawatasan ng mga tao. Hindi kaya si Tig-Ong ay isa lamang pulubi na nangangarap na makagawa ng isang indie film gamit ang pamatay na Dog me style ni Lars von Trier? hmmm...tangna! Ano ba?! Nagugutom na ako. Pwede kayang kainin si Tig-Ong?
                      Makabili kaya ako ng porn mag kahit hindi ako naniniwala kay Tig-Ong?

                      Parang gusto kong halikan sa puwet ang mundo sa aking naunawaan. Ito ang aking natatanging kaliwanagan. Noon ko lang naisip na kaya ako hindi nakahanap ng porn mag ay sa kadahilanang walang Tig-Ong na magbibigay sakin ng rason at kahulugan kung bakit ako bibili ng porn mag.
                     Nang araw na yun, umuwi akong masakit ang aking puson.                                     

                  


Posted at 02:43 pm by lumpenuks
Libre Katay!s (2)  

Monday, January 09, 2006
SPIDERMAN

                  Alam mong matagal ko ng trip ang magpakamatay! (Dangan nga lang kase ay hinitay ko pa ang release ng album ng FARMER YANO, ang bagal naman kase ni dong eh!). Nakakaburaot din naman kaseng tumayo na lang sa isang tabi at ni wala man lang akong iniisip (Sex at Existence at si Angel Aquino lang naman ang laman utak ko, 'di ba?) Kaya heto,iniisip ko,gusto ko na talagang magpakamatay.

                   Iniisip ko nga ako si spiderman,mag-isa lang akong nakatunghay sa lawak g kalangitan sa mga matataas na gusali tulad ng world trade center o kaya tatayo akong walang saplot sa mala-higanteng Colossus of Rhodes. wooossshh...ang sarap ng hangin.Pakiramdam ko mas magaan pa ko sa lahat ng particle at anti-particle na umuukopa sa baawat espasyo ng matter. Tapos, tatayo ako doon sa pinakatuktok, tatanggalin ko ang maskara ko, at kakausapin ko ang aking kamatayan, "Hey, kiddo! Tell the world I don't give a damn to their shit and dreams! " Ang sarap siguro nun, loaded ka ng angst at kalungkutan. Para akong bangag na rocker. Tapos bago ako tatalon, hihinga muna ako ng malalim,kinakabahan (kakabahan ka syempre dahil first time mong magpakamatay eh!), sige, hinga pa ng malalim,sisiguraduhin kong may oxygen pa kong nalalanghap. Tapos titngin ako sa ibaba...makakaramdam ako ng vertigo,pakiramdam ko masusuka ako sa taas ng kinalalagyan ko. Tapos maaalala kita. At pag naalala kita, ay naaalala ko ang ating rendevouz: ang tamawan (sa Baguio yun,kung san dun alamin nyo lang.) at ang kuwarto nating nagmumukha ng bodega, at tititigan ko ang buong kamaynilaan, feeling ko naglalakbay ako sa interplanetary space, para akong nakalutang sa curvature ng space-time, nakakatakot. Bubulungan ko ang hangin,susuyuin ko kahit sandali ang haplos nito sa katawang nangangatog. Sa puntong ito , ayokong umiyak. Ayokong umiyak dahil sa katotohanang ikaw pa lang ang babaeng iniyakan ko. Badtrip ka naman kase, eh! Gusto kitang murahin. Ang laki mo naman kaseng tanga. Iinom ka lang ng tubig yung may lason pa. Anag saklap, alam mo ba yun. Parang gusto kitang patayin.

             Iiwan ko na ang mundo (iiyak ba ko?). Pati ang mga hentai ko at koleksyun ko ng Barely Legal ipinamigay ko na kay Ryan at morlock (tropa ko.Malibog sila). Sawakas magkikita narin kami ni John Lennon at Kurt Cobain .

             Hellooo! Heto na. Tatalon na si Spiderman. (Teka nga pala, ang sinasabi kong spiderman ay yung nasa komiks na kababasa ko pa lang ngayun at hindi yung nasa movie kase, 'alang dating. Hollywood kitsch,ika nga. American junk. Isa pa ayokong gumanap na gagambang malunggay,  si Tobbey Maguire. Dapat siya na lang si Venum o kaya si Lizard.)

             Heto na, tatalon na talaga si spiderman. Mami-miss kita. Hahawiin ko ang ulap para sa ating dalawa, sabay nating panoorin ang kaligayahan ng mundo, sabay nating iyakan ang kagaguhan ng mundo, sabay nating laitin ang kanilang kalungkutan, samantalang  ang ating kaligayahan,kagaguhan at kalungkutan ay itatago natin sa bawat pahina ng librong ating binabasa.

             Heto na, tatalon na talaga si spiderman. Hindi mo ba ko pipigilan? hindi mo ba ako aawitan? Ipagtitimpla mo ba ako ng kape habang ginagawa ko ang kauna-unahang indie film ko? Magkasama ba nating papanuorin ang ang In the Mood for Love kahit mas nauna ka nang umiyak sa melodrama nito? Sasamahan mo kaya  akong manood ng Cinemanila at French Filmfest kahit adik na adik ka sa mga telenovela at mga palabas na reality TV?

             Teka, huwag na lang kaya ako tumalon, sayang din itong costume ko eh.


Posted at 11:29 pm by lumpenuks
Libre Katay! (1)  

Ang Notebuk NI Istakel

(Isang pagbabalik-tanaw pagkatapos kong basahin ang The Unbearable Lightness of Being ni Milan Kundera.)

 

          Paumanhin sa iyo,kung ang aking mga akda'y hindi talagang sadyang tinimpla para magbigay ng isnspirasyon (metapisikal man o eklat lang,alam kong sinasamba din nito ang musa ng literatura at indibidwalismo), sa katotohanang mas masarap makipagtalik kapag ika'y nakatayo o kung ika'y nasa ibabaw at nangangawit na.

           Tinanong mo ko kung mahal kita. Hindi ako sumagot. Muli kang nagtanong.Tinitigan lanng kita.

            Oo,iniibig kita.


Posted at 11:19 pm by lumpenuks
comments  

Saturday, January 07, 2006
Pagtalima

Haaay...napa-blog ulit ako,dinalaw ako ng musa.Sa anyo ng isang multo...oo multo...pero isa daw siyang anghel na multo.huwaw labo men!

 

At may isa pang multo na laging bumabalik,hindi ko matakasan pilit ko mang iwasan.Ang multong ito ay minsan kainuman ko,ka-text,ka-debate...kasama.

Mahirap iwan ang ilang bagay na naging bahagi ng buhay mo...lalo na kung ito ay responsable sa paghubog ng ating pagkatao...Bukas gagampanan ko ang isang atas...At tulad ng dati ako nanaman ang hari ng kalye.

 

Blackbird singing in the dead of the night

Take this broken wings and learn to fly

All your life

You were only waiting for this moment to arise.

 

Blackbird singing in the dead of the night

Take this sunken eyes and learn to see

All your life

You were only waiting for this moment to be free.

 

Blackbird fly Blackbird fly

Into the light of the dark black night

                -The Beatles


Posted at 11:05 pm by lumpenuks
Libre Katay!s (6)  

Sunday, October 30, 2005
Sex at Existence at si Angel Aquino

   

How can life ever be a good teacher if there is only one of them to lived? How can one perform life when the dress rehearsal for life is life?


minsan...walang pinakamasarap damhin sa larangan ng buhay kundi ang sariling kalungkutan -at unawain ito.

Posted at 01:17 pm by lumpenuks
Libre Katay!s (11)  

Monday, September 19, 2005
1081

sa alaala ng mga bayani ng martial law
 di kami nakakalimot
maniningil parin tayo!!!



Posted at 12:51 am by lumpenuks
Libre Katay!s (7)  

Monday, August 29, 2005
Alaala ni Batman


Ang alaala ni batman mula sa kaibuturan ng utak at sa madilim na sulok ng kamalayan ni Lourd de Veyra.


Bale, 1986 noong una kong nakilala si Batman
wala pang abs-cbn noon, sa BBC-2 pa noon,
panahon ni Marcos na malapit nang mamatay
wala rin si kris aquino
wala pa si boy abunda
sikat pa si herman moreno noon eh
sabi ko, "shet ang galing nito ah"
natulala ako noong una kong napanood si batman
"shet ang galing nito" sabi ko sa sarili ko
"ang galing galing galing ng itsura ni batman"
parang kinatam ang mukha
ang galing ng costume
umuumbok ang dibdib
pero di pa rin bakat ang utong
ang galing ng gadgets niya
ang gara ng kotse
ang ganda-ganda ng bahay
ang galing-galing mag-Ingles
ang galing mangarate
actually, pulbos nga ang lahat ng kalaban niya eh
palagi ko siyang pinapanood tuwing hapon
palagi akong nakikipag-away sa katulong namin
dahil gusto niyang manood ng LotLot and friends
atsaka That's Entertainment
pero ako isa lang ang gusto kong panoorin
isa lang ang idol na idol na idol na idol ko talaga


bale idol na idol na idol na idol ko talaga si batman
di bale na si robin kasi parang bading
ano kaya ang relasyon nila ni Batman?
pero idol ko talaga noon si Batman eh
parati ko siyang dinodrawing
parati ko siyang ginagaya
lahat ng mga bagay na Batman gustong-gusto ko at meron ako
yung t-shirt ko Batman
yung lunchbox ko Batman
yung pencil case ko
yung panyo
yung sumbrero
yung toothbrush
yung brief ko lahat yun Batman
mahal na mahal ako ng tatay ko
kasi kahit mahirap lang kami
parati niya ako binibilhan ng mga Batman na bagay
pero minsan gusto ko talaga ng Batmobile na laruan
nagpabili ako sa kanya
sabi ko "Tay bili niyo naman ako ng Batmobile "
pero katatanggal niya lang sa trabaho noon
kaya wala siyang pera
kasi kasali ata siya sa union, nagwala sa picket line
kaya yun natanggal
kaya gumawa na lang siya ng karag-karag na lata ng sardinas
at binutasan na lang at kinabitan ng tansan
at doon ko nalaman ang ibig sabihin ng PAGMAMAHAL


at lumipas na nga ang mga taon
at si Batman ay halos tuluyan nang naglaho sa aking alaala
ngunit sa isang madilim na sulok ng aking kamalayan
alam kong naroon pa rin si Batman
isang tahimik na anino nakabalabal sa dilim at mysteryo
sa loob ng aking utak at kuwarto
at mula noon ay nag-iba na nga ang ihip ng hangin
nagulo na ang ikot ng mundo
kumupas na ang kulay ng buhay
dumaan na ang mga kasintahan
ang mga asawa, ang mga taong akala mo'y kaibigan
pero yun pala'y mga tarantado
mga artistang araw-araw mong napapanood sa TV na mga bobo
mga politikong bobo
mga trabahong maliliit ang sweldo
isang milyong bundok ng mga problema
isang malaking tambakan ng hinanakit
isang mundo ng hinagpis
hindi ko na matagalan
hindi ko na matiis
hindi ko na makaya


ngayon hindi ko na talaga kaya
hindi ko na kaya hindi ko na talaga kaya
may narinig akong putok mula sa kaibuturan
ng aking utak
bumigay na ang tali
sumabog na ang bulkan
nabasag na ang pula
kaya ngayon, isang madilim na madilim na gabi
ako ay narito na sa tuktok ng
isang mataas na mataas na building sa Ayala
ang sarap ng hangin na umiihip-ihip sa aking kapa
nakataas na ang aking mga kamay
nakataas na ang aking mga kamay
malapit na akong lumipad
malapit na akong lumipad
malapit na akong lumipad
malapit na akong lumipad
Lipad Batman Lipad
lumipad ka lumipad ka
lumipad ka papuntang langit lumipad ka
nakataas na ang aking mga kamay lumipad ka
lumipad ka nakataas na aking mga kamay
tapos bigla kong naisip hindi nga pala lumilipad
si Batman hindi nga pala lumilipad
si Batman
kaya paalam malupit na mundo
paalam mahal
paalam itay, paaalam inay
ate, kuya, paalam po
lolo, lola paalam po
lolo sa tuhod, paalam po
lolo sa siko paalam po
paalam bantay, paalam muning
ewan ko kung sino nang magpapakain sa inyo
paalam aling tekla
paalam mang goryo
saka ko na lang babayaran yung
sukang inutang ko sa inyo
paalam...
 

PROYEKTO NG RADIOACTIVE SAGO

Posted at 12:59 pm by lumpenuks
Libre Katay!s (12)  

Previous Page Next Page
   

<< November 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30

OO Syempre
· foo buzz [ộ]
· foo blog
. red
Music Video Codes by VideoCure
Rosas ng Digma - Rosas ng Digma

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed