Ang Utin Ni Bro. Ely
Madel Mercado
(Salin mula sa "The Pope's penis" by Sharon Olds)
Nakabiting patiwarik
sa loob ng kanyang pantalon,
isang maselang tubo sa gitna ng kampanilya.
Ito'y gumagalaw sa bawat galaw niya,
parang bilasang igat namumugad
sa damong-dagat, ang buhok sumasayaw
sa dilim at init---at pagsapit ng gabi
habang siya'y nahihimbing, ito ay tumatayo
nagbibigay puri sa kanyang panginoon.