 |
Saturday, August 04, 2007
Maisusulat ko ang pinakamalungkot na berso ngayong gabi.
Maisusulat ko, halimbawa: "Mabituin ang gabi at nanginginig, bughaw ang mga tala sa malayo."
Lumiligid sa langit ang simoy-gabi at umaawit.
Maisusulat ko ang pinakamalungkot na berso ngayong gabi. Minahal ko siya, at minahal din niya ako paminsan-minsan.
Sa mga gabing ganito, ibinilanggo ko siya sa aking mga bisig. Ulit-ulit ko siyang hinagkan sa lilim ng walang-hanggang langit.
Minahal niya ako, paminsan-minsan ko rin siyang minahal. Sino ang hindi iibig sa kaniyang malalaki't mga matang tahimik?
Maisusulat ko ang pinakamalungkot na berso ngayong gabi. Maiisip kasing hindi na siya akin. Madaramang wala na siya sa akin.
Maririnig ang gabing malawak, at mas lumalawak kung wala siya. At pumapatak sa kaluluwa ang bersong tila hamog sa pastulan.
Maano kung hindi siya mabantayan ng aking pag-ibig. Mabituin ang gabi at hindi siya kapiling.
Ito na ang lahat. May umaawit sa malayo. Sa malayo. Hindi mapanatag ang kaluluwa ko sa pagkawala niya.
Upang waring ilapit siya, hinahanap siya ng aking mata. Hinahanap siya ng aking puso, at hindi siya kapiling.
Ganito rin ang gabing nagpapusyaw sa ganito ring mga punongkahoy. Kami, sa tagpong iyon, ang nagbago.
Hindi ko na siya mahal, natitiyak ko, ngunit minahal ko siya nang todo. Hinahanap ng tinig ko ang simoy upang hipuin ang kaniyang pandinig.
Nasa iba. Siya'y nasa iba. Tulad noong katalik siya ng aking mga halik. Ang kaniyang tinig, malinaw na katawan. Ang kaniyang matang walang-hanggan.
Hindi ko na siya mahal, natitiyak ko, ngunit baka mahal ko siya. Napakaikli ng pag-ibig, napakahaba ng paglimot.
Dahil sa mga gabing ganito na ibinilanggo ko siya sa aking mga bisig hindi mapanatag ang kaluluwa ko sa pagkawala niya.
Kahit ito na ang huling pighating ipapataw niya sa akin, at ito ang huling mga bersong isusulat ko para sa kaniya.
"Puedo Escribir" ni Pablo Neruda salin ni Virgilio Almario
Posted at 06:54 pm by lumpenuks
Permalink
Thursday, June 14, 2007
Sinderelang Serenata, esmeralda at granate, Di ka takas na sonata sa sepulkrong alas-dose; Manapa, sa sinisera ng sandali ay impante Kang gumigitaw, sakay-wari ng sagradong elepante. Kapagkuwan, sumibol ka at sumayaw sa estante Ng retina, at sa diwa ay nagsinsil ng brilyante. Ngayo'y oras ng paglalang, habang titig ng bitui'y
Labahang inmakulada sa planeta at sa dilim Ng lunggati-lalo't uhaw bawat letrang isapapel, At lapida bawat bantas. Bombilya man ay kulimlim, Makinilyang nanlalamig ay kandilang kalawangin Sa ngiti mo, naliligo ng asido at pormalin. Pintig-pantig ka sa gayon, Sinderelang Serenata, Kaulayaw ko kung gabi'y makulubot na kubyerta At ang buwang nakalente ay may uban na sa mata. Eskalera ng estropa at imaheng largabista Ang handog mo; at sa tinig na may tanso ng trumpeta Ang puso ko'y nilulunod sa posporo at bendita. Esmeraldang pangitain at granateng kahel-anghel; Rebelasyon-ebolusyo't rebolusyong inistensil -Sa taludtod; tsokolate at aromang butil-butil Na umapaw sa pandiwa at pang-uring nagdidildil. Sa piling mo, ang pagtula ay kemika ng hilahil Habang ako'y pasa-limbo sa palanking hasmi't nikel. Diwa ngayon, kahit sigsig ng rayuma't dinisyembre, Metapora ng tagsibol ang kindat mong kinoryente; Sa pag-usad ng sandali sa magrasang engranahe, May minutong adarna ka at naroong maging tigre Nang linyang mabanghay ko'y naging kristong inespinghe.
Metamorposis Mga Nota ng Isang Serenata sa Kaibuturan ng Gabing-Disyembre Virgilio Almario
Sa Poetry Rolando Tinio
Sa poetry, you let things take shape, Para bang nagpapatulo ng isperma sa tubig. You start siyempre with memories, 'Yung medyo malagkit, kahit mais Na mais: love lost, dead dreams, Rotten silences, and all Manner of mourning basta't murder. Papatak 'yan sa papel, ano. Parang pait, Kakagat ang typewriter keys. You sit up like the mother of anxieties. Worried na worried hanggang magsalakip Ang odds and ends ng inamag mong pag-ibig. Jigsaw puzzle. Kung minsan, everything fits. Pero sige ang pasada ng images Hanggang makuha perfectly ang trick. At parang amateur magician kang bilib Sa sleight-of-hand na pinapraktis: Nagsilid ng hangin sa buslo, dumukot, By golly, see what you've got--- Bouquet of African daisies, Kabit-kabit na kerchief, Kung suwerte pa, a couple of pigeons, Huhulagpos, beblend sa katernong horizon, You can't say na kung saan hahapon.
Posted at 12:27 am by lumpenuks
Permalink
its just another tequila sunrise
kinanginang yan! Hindi naman pala lumilipad si batman!
Eh! Hindi naman pala lumilapad si batman…
So tapos na eleksiyon.
Eh ano ngayon!
Magbayad na kayo ng income tax.
Para sila naman ay makapag-relax;
Manghahawi.babawi.
Gastos sa kampanya
Inyong isauli,
Why did the chicken cross the road?
To revisit the past transgression from early psychosocial stages
in an attempt to resolve an Oedipus Complex and consequential castration anxiety.
Bukas gin milo naman…
Posted at 12:25 am by lumpenuks
Permalink
Tuesday, October 17, 2006
Ang Utin Ni Bro. Ely Madel Mercado
(Salin mula sa "The Pope's penis" by Sharon Olds)
Nakabiting patiwarik sa loob ng kanyang pantalon, isang maselang tubo sa gitna ng kampanilya. Ito'y gumagalaw sa bawat galaw niya, parang bilasang igat namumugad sa damong-dagat, ang buhok sumasayaw sa dilim at init---at pagsapit ng gabi habang siya'y nahihimbing, ito ay tumatayo nagbibigay puri sa kanyang panginoon.
Posted at 05:34 pm by lumpenuks
Permalink
Tuesday, July 04, 2006
Posted at 10:49 pm by lumpenuks
Permalink
Wednesday, May 31, 2006
ingat kayong mga baboy kayo!
parating na kami!
kami...mga alagad!
mga alagad!
ni mang tomas!
Posted at 01:14 am by lumpenuks
Permalink
Saturday, May 27, 2006
wala nang tao sa sta.filomena
nag-iisang lumilipad
ang langay-langayan
anino niyay tumatawid
sa nanunuyong palayan
tanging sagot sa sigaw niya
ay katahimikan at kaluskos
ng hangin sa dahon
'sang ikot pa...huling sulyap...
mula sa ibabaw ng bayan
mga kubong pinatatag
ng nipa at kawayan
palam na...paalam na...
ang awit ng langay-langayan
ngunit walang nakasaksi
sa palayo niyang lutang
pagkat wala ng tao sa sta.filomena
walang aani sa alay ng lupa
nakayuko ang palay tila bang nalulumbay
tila bang naghihintay ng karit at ng kamay
nahihinog ang bunga ng mga mangga't bayabas
pinipitas ng hangin at sa lupa ay hinahampas
sinisipsip ng araw ang tamis at katas
iniiwan ang binhing umaasa
at pagdating ng tag-ulan sa pinaghasikan
upang hugutin ang buhay
mula sa kamatayan
muling dadaloy ang dugo
sa ugat ng parang
subalit...ang lahat ng ito'y masasayang...
pagkat wala ng tao sa sta.filomena
walang aani sa alay ng lupa
palay ay nakayuko tila bang sumusuko
naghahandog ng buhay
sa karit at kamao....
limlipad... sumisigaw ang langay-langayan...
nasaan ka at bakit ka nagtatago taong bayan?
panahon na...panahon nang...
balikan ang iniwan dinggin natin
ang tangis ng abang langay-langayan
...dinggin natin ang tangis ng abang langay-lanagayan....
Posted at 12:46 am by lumpenuks
Permalink
Thursday, May 11, 2006
Maligayang Araw ng Mga INA!
"Worst of all, it is women who usually have to do, usually alone, all the dirty work of the kitchen and household, work that is unimportant, hard, tiresome, and soul-destroying" --Vlademir Lenin
IIpagtanggol ang mga nanay mula sa mga mapang-aping sandok at washing machine!!! (pwera ang punyetang si gloria!)
Posted at 12:33 am by lumpenuks
Permalink
Sunday, April 23, 2006
ay tatak ng inidoro "urinal" na puno ng rosas kandilang tunaw kinalat sa sahig nangu-ngulit si Awit sobreng kulay pula nakarolyong "tissue paper" gawa sa papel de liha. balisong nakasiksik sa inukit na bibliya sa pahina ng Mateo 11:10 bumbilya sa lapag,umiikot na paningin ko bato balani sa may katipunan ituro mo kung saan ang palabas na daan.
Posted at 08:32 pm by lumpenuks
Permalink
“People are afraid of themselves, of their own reality; their feelings most of all. People talk about how great love is, but that's bullshit. Love hurts. Feelings are disturbing. People are taught that pain is evil and dangerous. How can they deal with love if they're afraid to feel? Pain is meant to wake us up. People try to hide their pain. But they're wrong. Pain is something to carry, like a radio. You feel your strength in the experience of pain. It's all in how you carry it. That's what matters. Pain is a feeling. Your feelings are a part of you. Your own reality. If you feel ashamed of them, and hide them, you're letting society destroy your reality. You should stand up for your right to feel your pain.”
-- Jim Morrison-- (1943-1971)
Posted at 07:45 pm by lumpenuks
Permalink
|
 |
|
|
 |
|